When God casts out my fears

Written by Jepoy Meneses on . Posted in Sharing

Jed Espaldon
CFC SFL Parañaque

Jed Espaldon

In my own perspective, God allowed me to experience a taste of heaven. I felt like I was so close with God. Hindi ko po alam kung ilang beses ako napaiyak ng mga worships. Worships were so powerful and overwhelming.

Being in the event was so spirit-filled, very meaningful and VICTORIOUS. Words can’t contain how wonderful my experience was.

Just to share, weeks before, I was not sure if I’ll be able to attend the conference. My financial problem and work schedule almost hindered me to attend. It was a struggle. Almost every day I look for a schedule swap pero nadedecline ako it was a weekend off kasi not all of us have the chance to have a Sat-Sun off. It was hard to file for a leave kasi sabe ng boss ko both days were critical.

All I could do was to hold on to my faith and God did not fail me. Two days before the event may lumapit sa akin asking me for a swap. Katrabaho ko babae nakikipagpalit sa akin kasi daw tumataba na daw at kailangan nya ng mggym (haha). Nasabi ko pa nga sa kanya blessing in disguise yung pagiging mataba nya kasi kung nagkataon wala akong kaswap.

Nung naapprove yung swap namin. I was so very happy. If someone will ask me to do harlem shake at mag gangnam at the same time I’ll do it just to express and show how happy and grateful I am.

Earlier I mentioned na victorious yung pagattend ko ng conference. Bakit ko po ba nasabi yun?? Marami po ako worries at takot like sa family ko, sa trabaho, pero higit pa dun… yung mga paa ko. Hindi nyo po natatanong when I was still 7 mos old, I got sick and unfortunately I was misdiagnosed by the doctor. So, madaling sabi I’m taking up medicines na hindi akma sa sakit ko and worst I was overmedicated kaya naapektuhan yung nerve functions ko.

Nakikita nyo po ngayon kung ano yung kamalian na ginawa ng doktor. Lately po nararamdaman ko pahina ng pahina yung mga paa ko. Hindi na ako makatayo ng mataggal at hirap na ako umakyat ng hagdan. I’m not even so sure kung kailangan ko na magretire sa paggamit ng cane at gumamit na lang ng wheelchair. Kung ano man ang mangyayari hindi ko alam kung paano ko ihahanda yung sarili ko.

Pero alam nyo po ba kaya victorious ang WSC sa akin dahil lahat ng worries and fears ko na wipe out! It was during the exposition. For the first time God spoke to me. I felt HIS presence. Feeling ko yakap nya ako. and then, I asked HIM, “Lord kakayanin ko po ba?”

Alam nyo ba yung sagot nya sa akin??

Kakayanin mo, Jedi. Kahit gaano kalayo ang lalakarin mo kasabay mo ako maglalakad. Kung kailangan mo umakyat ng hagdan nasa likod mo lang ako babantayan kita at kung matutumba ka kumapit ka lang sa akin at aalalayan kita.

Tags: , , , , , , , , , , , ,

CFC SFL Households

Channel SFL

Watch videos that will inspire you. Subscribe to our channel and learn more about us.

Gallery

Gallery

View pictures and videos of our events and activities here and relive the moment.

Connect with us

Downloads

Go to our downloads page. Get a digital copy of our logo, powerpoints, etc.

Contact Us

CFC SFL logo

Appartelle 12 Starmall Complex Edsa cor. Shaw Blvd., Madaluyong City

Telephone: +63 2 7182213
Email: email@cfcsfl.org