Christian-Life-Seminar-in-Mayapa-Sta-Rosa

In Love with the Single Life Offered by Jesus

Written by Jepoy Meneses on . Posted in Sharing

By Marco Gandeza
CFC SFL Laguna

I’ll try to be single for as long as I can.

Nagmahal ako nang sobra-sobra, niloko, iniwan, nasaktan, naging bitter at lahat na. May nagsabing makipag-relasyon daw ulit ako para maka-move on. Pero hindi. Ako I’ll try to be single for as long as I can. Kasi sabi ng mommy ko, sa totoo lang kaya ko naman talaga mag-isa. Hindi ko naman talaga kailangan ng karelasyon lalo na kung gagamitin lang ako ng taong yun. Magpapayaman na lang ako tapos tutuparin ko yung mga pangarap ko para sa sarili ko, para sa family namin saka para sa community.

Ang focus ko na lang ngayon, ayusin ang buhay ko, ilagay sa gitna ang Panginoon at wag nang lilingon pabalik. Marami nang relasyon ang dumaan sa buhay ko pero lahat yun lumipas na parang tinapay, pag inamag na, wala ka nang choice kundi itapon na lang. This time, gusto kong kumapit sa pangako ng Diyos na magandang buhay para sa ‘kin, yung buhay na hindi aamagin, yung relasyon na kahit kelan hindi itatapon at pahahalagahan ko habambuhay.

26 na ‘ko, turning 27. Hindi na tayo bumabata. Habang maaga pa, planuhin na natin ang kinabukasan natin. I started with finishing my studies, then working hard, providing for our family. Then pinaayos ko yung bahay namin, binilihan ko sila ng malaking TV saka iba pang gamit sa bahay. Along the way, binili ko rin yung mga luho na hindi ko nabibili dati, yung mga Apple devices ko, yung MagicSing na gasgas na gasgas na ang mga kanta kasi lagi talaga kaming kumakanta sa bahay. Yun ang pinaka-bonding ng family namin kaya hindi ko pinagsisisihang binili ko ang Extreme MagicSing kahit medyo may kamahalan. Thankful ako kasi binigyan ako ni God ng magandang trabaho na naging daan para maiahon ko sa hirap ang pamilya namin. Lahat nang meron ako, lahat ng ito dahil kay God… At para kay God!

Ang pinakamalaking bagay na ginawa ko sa buhay ko e yung desisyon na kalimutan na ang nakaraan, magbalik-loob, magbagong buhay at magbawas ng kalokohan. At anong ibinigay sakin ng Diyos bilang kapalit? Isang bagong kotse… At marami pang ibang biyaya.

Alam ko hindi sapat ang mga mabubuting ginawa ko para biyayaan niya ako nang ganun lalo na’t alam kong ako’y makasalanan. Pero meron kasi tayong tinatawag na “grace”, yung tipong kahit hindi ka deserving, ibibigay pa rin sa ‘yo ni God ang pagpapala simply because mahal ka Niya.

Ang pangako ko na lang kay God, magbabait na po ako at aayusin ko na ang buhay kong dati’y puno ng kabaluktutan. Para bang sinasabi sakin ni God na, “O, anak, ayan na ang laruan mo, magbabait ka na ha?” Ako naman, “Opo, Dad, magbabait na po ako”. That’s exactly how I felt.

Para akong pasaway na bata, yung tipong mahilig mag-cutting classes at nangungupit ng kendi sa canteen, yung mahilig mag-rebelde at ilang araw na mawawala para lang matagpuang nakikipag-inuman sa bahay ng kaeskwelang isa’t kalahati din namang bulakbol. Alam ni God lahat ng mga kasalanan ko. Pero nung nagdesisyon akong bumalik na sa Kanya, with open arms, tinanggap Niya pa rin ako.

At hindi lang yun, katulad ng kung pano tinanggap ng mayamang ama pabalik sa kanilang mansyon ang kaniyang prodigal son, ganun din ako tinanggap pabalik ng Diyos. Maraming blessings kalakip ang pagbabalik-loob ko sa kanya. Nanjan yung nagkaron ako ng kotse at iba pang materyal na biyaya, nanjan yung nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa community ng Singles for Family and Life, nanjan yung unti-unti ko nang naaayos ang pagtulog at pagtatrabaho ko, hindi na ko natutulog sa trabaho. Haha! At higit sa lahat, naging mas close na ang bawat isa sa pamilya namin.

Lahat ng bagay naging magaan dahil sa kapangyarihan ng Holy Spirit. Basta magbalik-loob lang tayo kay Kristo at gawin Siyang sentro ng ating buhay, asahan mong hindi ka Niya bibiguin. Gusto ko lang i-share kung gano kasarap yung feeling na tanggapin muli ng ating Ama.

Kampante ako ngayon na kahit ano pa mang unos ang dumating sa hinaharap, alam kong maroon akong Ama sa langit na magtatanggol sa akin… At sayo rin kapatid.

Kung single ka ngayon at masaya, makontento ka na. Bata ka pa naman. Just enjoy being in love with the beautiful single life offered by Jesus. He has a lot in store for you in the future. Be thankful na na-weed out na ang mga lason sa buhay mo, and more than that, be thankful for all the blessings you are experiencing right now.

I’m feeling so rich. I feel like a rich kid because Dad is rich. He owns the universe, He owns practically everything. And if I ever need something all I have to do is ASK. All I need to do is pray. Ibibigay Niya ang desire ng puso mo basta mag-pray ka lang and never lose faith.

And with that may God be praised!

Tags: , , , , , , ,

CFC SFL Households

Channel SFL

Watch videos that will inspire you. Subscribe to our channel and learn more about us.

Gallery

Gallery

View pictures and videos of our events and activities here and relive the moment.

Connect with us

Downloads

Go to our downloads page. Get a digital copy of our logo, powerpoints, etc.

Contact Us

CFC SFL logo

Appartelle 12 Starmall Complex Edsa cor. Shaw Blvd., Madaluyong City

Telephone: +63 2 7182213
Email: email@cfcsfl.org