A Message of God During WSC 2015

Written by Jepoy Meneses on . Posted in Sharing

By Em-em delos Reyes
CFC SFL CAVITE

Em-Em-delos-Reyes

I just want to share how God spoke to me during WSC.

Before dumating yung araw ng WSC I felt incomplete. Sobrang dami yung tumatakbo sa isip ko . Mga bagay na natatakot akong gawin kasi natatakot akong makaranas muli ng rejection. Ilang beses akong nag dasal sa Panginoon na tulungan Niya ko gumawa ng desisyon pero wala akong makuhang sagot mula sa Kanya.

Then during WSC nag dasal ako sa Panginoon na alisin Niya yung takot ko at pangamba para sa future ko at bigyan niya ko ng tamang desisyon. Unti-unti may bumubulong sakin, may kumakausap. Lalo na noong oras na high na high akong magpuri sa Panginoon.

Huwag kang matakot anak. Kalimutan mo kung ano yung mga bagay na bumabagabag sayo at ang mga kinakatakutan mo. Sumunod ka sa Akin, kalimutan mo ang sarili mo at hayaan mo na ako ang gumalaw sa buhay mo. Tulad ng pinangako ko sayo bibigyan kita ng masaganang buhay. Magtiwala ka lang at ipagkatiwala mo sa akin ang lahat. Kasama mo akong lalaban at kasama mo ako sa pagtupad sa mga pangarap mo. Pangako.”

Alam ko na ito na yung sagot Niya sa dasal ko. Ginising ako ng Panginoon. Nawalan ako ng tiwala at nakalimot ako na andyan lang pala Siya sa tabi ko. At hindi ko kailangang mangamba at matakot para sa aking hinaharap.

Magtiwala at huwag matakot ! DAHIL SI KRISTO, SAPAT NA!

Tags: , , , , ,

Trackback from your site.

Leave a comment

CFC SFL Households

Channel SFL

Watch videos that will inspire you. Subscribe to our channel and learn more about us.

Gallery

Gallery

View pictures and videos of our events and activities here and relive the moment.

Connect with us

Downloads

Go to our downloads page. Get a digital copy of our logo, powerpoints, etc.

Contact Us

CFC SFL logo

Appartelle 12 Starmall Complex Edsa cor. Shaw Blvd., Madaluyong City

Telephone: +63 2 7182213
Email: email@cfcsfl.org